Kailan naman kaya ako makakabili nito? Sana by the time na nakaipon ako, meron pa sa Adidas.
Noong bata pa ako, naalala ko noong grade 1 pa lamang ako sa elementarya. Meron kami asignatura tungkol sa kung anu gusto mo maging pagdating ng araw, i-guhit ko daw sa isang papel kung ano gusto ko paglaki ko, tanda tanda ko pa nga hanggang ngayon na gusto ko maging kartero/mailman o sa madaling salita taga-hatid ng mga sulat sa bahay bahay. Hindi ko nga alam kung ano sumagi sa isip ko kung bakit iyon ang pumasok sa utak ko noong panahong iyon. Nagpatulong pa ako sa tito ko kung paano mag-drawing, hindi rin siya nagtaka kung bakit iyon ang pinili ko, marahil naiintindihan niya na bata pa ako at wala pa malay sa tunay na mundo.
Sana ganoon lang kadali ang pagpili katulad noong bata pa ako, pero ngayon... it is entirely different scenario. It's not even easy to decide what you really want to be in the future. And how do you see yourself 20 years from now? Mahirap di ba? This was my dilemma when I was still an fresh high school grad... iniisip ko ano ba talaga ang gusto ko?
I remember when I was still young --- hahaha and high school student, a student who doesnt know anything about the real life situation. That was the time, I only rely on what might people think what is good to me or not.
1st year, pinangarap ko naman maging isang computer programmer, sa kadahilanan mahilig ako magkalikot ng mga computer stuff at sa impluwensiya na rin ng tita ko na iniidolo ko talaga before, it was a time na boom ang computer industry noon, I mean pagsilang ng friendster, at kung anu social networking site, I got addicted too in chatting (ym), yeah it was completely pathethic talking to someone you dont even know personally over the internet... but you cant blame me on that, bata pa ako niyan at wala pa alam sa mundo. So that was the time my interest lies more on computers/software/hardware stuff, inaayos ko lagi ang computer ko, pentium 3 pa noon yun, ako lang ang nag aayos, kulang na lang ipakilo na ang computer ko kasi sobra bagal talaga, and the internet connection really sucks, mamatay ka talaga sa kakahintay, hindi pa uso ang DSL noon, parang for rich only pa yun...hahaha dial up connection lang ako, suki ako ng Blast, ISP Bonanza, IRepublic, ISurf at kung anu ano pa man.
Kaya I made up my mind na computer science ang kukunin ko, sobra uso talaga ang computer courses noon, pero i never heard the course na IT, ngayon ko lang narinig yan when I reach on my senior year. Pero habang tumatagal eh nag-iiba pala ang hilig ng isang tao --- it is part of growing up ika nga, minsan naisip ko, I wouldnt want to spend my entire life working in front of computers, then we discussed about health hazard etc kaya I realized na computer is just one of my hobbies.
Naisip ko na I need to be productive 'yung nakakatulonga sa iba. Since then, I excel more in field of Mathematics and Science (Biology & Health Education). Kaya naisip ko noong 3rd year high school ako na gusto ko maging engineer. In fact all my uncles are now successful engineers talaga, nasa dugo na namin ang pagiging inhinyero. Kaya sa kanila ko siguro naman ang aking pagkahilig sa mga numero. Nag-eexcel din ako sa Social Sciences, lalo na sa Geography, favorite ko talaga subject noong high school, magaling na teacher at ang taas ng marka ko. Iyon naman ang linagay ko na choice sa up.
Noong ako ay kukuha na ng pagsusulit sa kolehiyo. Ang linagay ko sa unang choice ko ay electrical engineering at ang second choice ko naman ay occupational therapy. Simula pa noon, ayaw na nila ako kumuha ng engineering na kurso kasi nga puro engineers na ang aming pamilya, kaya for the sake of that pinili ko ang ikalawang choice ko na pre-med course. Bakit ot? Kasi my little brother has mild autism, its been 12 years since then ginagamot siya, that's why I chose it as my second choice, my background na kasi ako dati pa, I'm always with my brother everytime he undergoes therapy session at PCMC. It was fun. Noong time na iyon, gusto nila maging isa ako doktor, wala pa sa bokabularyo ko yun kasi akala ko unreachable talaga iyon para sa akin.
When the results finally came out, I found out that I passed both of my course list... puputulin ko muna dito... masyado na kasi mahaba to tell this part. At ayoko ng i-emphasize pa dahil wala lang.
Freshman in college, sabi ko sa magulang ko, I want to take up engineering, my interest lies more on mathematics more than biological sciences. Siyempre at first noong incoming first year pa lang ako, they dont want me to take any eng'g course kasi nga it is recession sabi ni erpat. Kaya I had no choice but to take my second option, saka sabi niya if I want to take eng'g, i should go to mapua daw, and that wasn't true. Hirap na hirap nga ako noong first year ako, as in ang hirap mag-adjust talaga. Ikaw ba naman kumuha ng isang kurso hindi mo gamay, kasi noong time na yung ang nasa utak ko lang ay maging engineer.. kasi idol ko ang erpat ko eh. Hindi naman sumagi sa isip ko na ibagsak ko yun kasi ako rin mahihirapan. Hahaha Pero noong nakita nila na nahihirapan talaga ako para lang maipasa ang lintek na zoology na yan, sabi nila sige We are here to support you, whatever course you will take, it is fine for us. Kaya ayun... happy ako that time. But time goes by, everything seems to be unpredictable marami nangyari hindi inaakala, well some readers here know what the reason behind this, na sobra lalim, this thing changed my perpective in life. Kaya sabi ko, why should I pursue eng'g, hindi na practical for me dahil sa problema namin ngayon. Everything will change, at balik first year ako, kaya I stay with my course. Ang saya pala, as in.
Ngayon, I realized God has plans to everyone. Siguro I am destined to help those in need. Na-inspire ako sa kakilala ko doctor, he gave me pieces of advice. When I'm still on my second year, sinabi ko sa ermat ko na I want to pursue medicine, oo tama nga ang naririnig niyo, gusto ko maging isang doktor, gusto ko mag-aral ng medisina. Gusto ko tumulong sa nangangailangan. Siguro ito na talaga ang itinadhana sa akin kaya hindi ako nakapag eng'g. Sabi ni mama, kung kaya pa niya, bakit hindi? It may be too short to explain why I really want to be a doctor, pero ang masasabi ko lang sobra dami factors bakit pumasok sa isip ko maging isang doktor.It takes more than a year or so before I came out to this decision. I always lurk in PinoyMD or any Medical related sites.
Kaya last week, sabi niya okay lang daw kung iyon naman daw talaga ang gusto ko, this time hindi na siya tumututol sa desisyon ko unlike when I was still an incoming first year. Nagpapasalamat ako sa ermat at erpat ko, kung bakit gusto nila kumuha ako ng isang premed course. Sabi nga nila, mom knows best. At totoo talaga iyon.
Buti na lang sumunod ako sa kanila, at ngayon hindi ko pinagsisihan kung anu ang kurso ko ngayon... masaya na ako at kuntento na ako. Marami mga bagay ang nagbago simula noong nawala ang isa sa pinaka importante sa buhay ko, natuto ako maging isang responsable tao, though may pagkatamad lang talaga ako, naiba ang pananaw ko sa buhay at marami pang iba,
Im not into after the prestige at all, gusto ko talaga maging doktor na nanggagamot sa may sakit.
Gusto ko maging isang orthopaedic surgeon balang araw, kahit sobra tagal pa nito. Matagal ang gugugulin sa pag-aaral at pagod. Alam mo ba kung gaano katagal? 5 years ang undergrad degree, 4 years in medicine school, at 1 year post internship, after that another 5 years residency training for ortho, then 3 years for fellowship. 18 years ako mag-aaral, pero okay lang sa akin.. yun ang gusto ko sa buhay eh. Iyon din ang tangi ko mabibigay sa erpat ko, yung matupad ang gusto niya kung ano ako. Sabi ko nga, buti na lang sumunod ako sa inyo... marami rin nag advice sa akin ngunit sa huli ako pa rin ang magdedesisyon talaga.
Sana after 20 years maging succesful ako, sana matupad ko ang lahat ng goals ko sa buhay. Since my father passed away last year, I made up my mind na gusto ko talaga maging isang doktor, ang manggamot sa mga nangangailangan. Sa kurso ko ngayon, na appreciate ko kung ano ba talaga ang buhay, kung paano tumulong sa may sakit. Iyon naman talaga ang gusto ng erpat ko para sa akin, ang maging isang successful, at magkaroon ng isang anak na doktor. Balang araw matutupad ko yan... Alam ko proud kayo sa akin, at hindi ko talaga kayo bibiguin...
Dr. Michael Rae B. Pascual, OTRP, OTR/L, M.D.
Ikaw? How do you see yourself after 20 years?
Meron talaga mga tao na sabihin na natin user... oo ngayon ko lang na-realize na meron pala ganito mga kaibigan. Paano ko nasabi user ang isang kaibigan... kasi there was a point in my life that I experienced what life could be. Problems, trials, and the likes. That time nalaman ko kung sino nandiyan without hesitation. Nandiyan sila noong walang wala ako, nandiyan sila noong malungkot ako. Hindi naman financial problems ang problema ko, but more on emotional issues. I had neven been like this, na nagkakaroon ng problema... well most of my friends know this, i wouldnt like just to emphasize this one.
Ito user na ito, magaling lang kapag may kailangan. Mabait kapag may hinihingi pabor sa iyo, siyempre bilang kaibigan tinutulungan ko kahit advice lang yan. Basta ayoko na lang magsalita... wala lang gusto ko lang ito i-rant sa blog ko, ayoko rin naman kasi sabihin ito sa iba.
Ilang araw na lang pasukan na naman. Ayoko pa kasi pumasok, para kasi hindi pa ko handa. Mapapagod na naman ako nito. Actually, I've already bought my school stuff yesterday and enrolled last week. Grabe, nakakapagod. Marami pa kasi ako kailangan gawin this summer. Hindi pa rin ako nakakalipat ng dorm. I actually lost my eyeglasses a long time ago, so I need to buy another one. No time to lurk, friendster, facebook, and the list goes on. Kapag pasukan kasi, wala talaga... I always try to manage my time. Hindi ko nga mabalance ang social life and studies ko. Hahaha See? How hard to be an allied health student. But still no regrets naman even if I chose this course.
Copyright 2009 - Fantasm